Nakatakdang magpupulong ang UN Security Council kaugnay sa nagpapatuloy na karahasan na nangyari sa Israel mula sa Hamas militants.
Ito’y matapos sinabi ni United Nations Secretary General António Guterres na lubha siyang nag-alala sa nangyari ngayon sa nasabing bansa.
Nakatanggap naman ng tawag si Prime Minister Benjamin Netanyahu mula kay US President Joe Biden kung saan nag-alok ito ng suporta para sa seguridad ng Israel ngunit binigyang diin nito na kailangang mananatiling kalmado ang bansa sa nasabing pangyayari.
Nagpadala naman ng envoy sa Israel si US Secretary of State, Antony Blinken.
Nagpatawag din ng pagpupulong ang Rusya sa Middle East Quartet (kwortet) na kinabibilangan ng Amerika, Europe, UN at Russia.
Napag-alaman na umakyat na sa higit 80 ang patay sa Gaza habang pito naman sa Israel.