Ongoing sa ngayon ang Response Cluster Meeting ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Kampo Aguinaldo sa Quezon City.
Ito ay upang i-assess ang epekto ng bagyong Tisoy sa mga lugar na hinagupit partikular ang ilang bahagi sa Samar at Bicol Region.
Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal, ang cluster meeting ay pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang ahensya ng gobyerno.
Layon nito para matukoy kung kinakailangan na ba na magkaroon ng augmentation mula sa national government.
Una nang tiniyak ng NDRRMC na naka-preposition na ang mga family food packs para sa pamilyang maaapektuhan ng bagyong Tisoy.
Sa ngayon aniya ay wala pa naman silang natatanggap na report mula sa mga LGUs na humihingi ng suporta.
NanaNAtili naman aniyang on standby mode ang kanilang pwersa kung kakailanganin.
Sa ngayon pumalo na sa mahigit 225,000 ang bilang ng mga inilikas dahil sa bagyo.
Karamihan dito ay mula sa Bicol, Calabarzon at Mimaropa.
Wala pa namang natatanggap na ulat ang NDRMMC operation center kung may nasawi sa pananalasa ng bagyo.
Ang pinakamalala anyang tinamaan ng bagyong Tisoy ay ang Legaspi airport sa Albay kung saan may mga bumagsak na mga istruktura.