-- Advertisements --

Muling binuhay sa Senado ang panukalang bigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang emergency powers ay reresolba umano sa traffic crisis sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

Batay sa Senate Bill 213 ni Sen. Francis Tolentino ang pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA), kung saan ang trapiko at congestion sa Metro Manila ay nagiging sanhi sa pagkawala ng nasa P3.5 billion kada araw.

Isinusulong din sa panukala ang pagdedeklara ng national emergency upang maging daan sa pagbibigay ng emergency power sa Pangulong Duterte.

Dito ay ililimita sa Metropolitan Manila, Metropolitan Cebu, Davao City, Cagayan de Oro City at iba pang “highly urbanized cities,” habang ilalagay naman sa national emergency ang land, air at sea traffic.

Iiiral naman ang emergency powers ng Presidente sa pagresolba ng trapiko at congestion crisis.

Sa ilalim ng panukala, ang Secretary of Transportation ang itatalagang de officio Traffic Crisis Czar na magiging alter ego ng Pangulo sa buong panahon na umiiral ang emergency powers.

Sinabi ni Tugade na pipilitin niyang maipaliwanag sa mga senador ang kahalagahan ng panukala upang mapadali na rin ang pagpapasa nito.

Nakatala din sa bill na magkakaroon nang pagbabago sa oras ng pasok sa mga opisina o kompaniya kung kinakailangan.