Inihirit sa Kamara ni Transportation Sec. Arthur Tugade ang pagbigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte para masolusyunan ang problema sa trapiko sa bansa.
Sa budget briefing ng Department of Transportation (DOTr) sa House appropriations committee, sinabi Tugade na sa pamamagitan nang pagbibigay ng emergency powers sa Pangulo ay mapapabilis ang pagpapatupad ng mga hakbang na magreresolba sa problema sa traffic at pagsasaayos na rin ng mga road infrastructures.
Aminado si Tugade na sa ngayon ay mabagal ang implementasyon ng kanilang mga proyekto sapagkat ikinukonsidera nila bago simulan ang mga ito ang issue naman sa right of way.
Gayunman, tiniyak ng kalihim na sa oras maipagkaloob sa chief executive ang hinihiling nilang emergency powers ay hindi naman aalisin ang oversight powers ng Kongreso para silipin ang mga proyekto at tiyakin na ang mga ito ay hindi nahahaluan ng katiwalian.