Nakumpleto na ng AFP ang construction ng dalawang emergency quarantine facility (EQF) sa Brgy. Sucat, Muntinlupa City at nai-turn over na ito kahapon sa lokal na pamahalaan.
Pinangunahan nina AFP Chief Engineer MGen William Ilagan, kasama sina Muntinglupa Mayor Jaime Fresnedi at Architect William Ti ng WTA Architecture + Designs.
Ang dalawang pasilidad na pinondohan ng Reckitt Benckiser Philippines, at WTA Architecture+Design Studio ang pang 71 at 72 na EQF na naitayo ng AFP.
May kabuuang kapasidad ang dalawang EQF na 40 kama, na makakatulong sa pag decongest ng mga Hospital wards sa gitna ng umiiral na situasyon sa Covid 19.
Nasa 75 EQFs ang target na maitayo ng AFP sa loob at labas ng Metro Manila mula nang simulan ang proyekto noong March 28.