-- Advertisements --
BORACAY 1
Paraw Biniray Festival in Boracay (photo from DENR)

KALIBO, Aklan — Palalakasin pa ng Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) ang emergency response sa isla upang hindi na maulit pa ang nangyaring trahedya katulad sa pagtaob ng isang dragon boat na ikinasawi ng pitong miyembro ng Boracay Dragon Team.

Nagpaabot ng pakikiramay ang BIATF pangunguna ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) secretary Roy Cimatu sa mga naulila ng mga namatay sa trahedya.

Makikipag-ugnayan umano ang task force sa lokal na pamahalaan at iba pang ahensiya upang makalikom ng pondo para sa lahat na apektado ng malungkot na pangyayari.

Sa kabilang daku, agad nagbigay ng ayuda ang LGU-Malay sa mga biktima at kani-kanilang pamilya sa pamamagitan ng pag-activate ng kanilang incident command system upang maasikaso ang mga bangkay, tulong pinansiyal sa pamilya at stress debriefing mula sa Municipal Social Welfare and Development Office at Red Cross.

Mahigpit na seguridad rin ang ipinapatupad ngayon ng Philippine Coast Guard at maritime arm ng Philippine National Police.