-- Advertisements --

Umapela ang Department of Health (DOH) sa mga healthcare institution at practitioners na dalhin muna ang mga bagong pasyente sa ibang government hospitals.

Ito ay matapos i-anunsiyo ng Philippine General Hospital (PGH) na pansamantalang isasara ang kanilang emergency room (ER) para sa mga bagong pasyente dahil puno na ito, bagamat mananatili aniyang bukas ang kanilang ER para sa mga pasyenteng nasa life-threatening emergencies.

Sa isang statement, tiniyak ni Health Secretary Ted Herbosa na handang tulungan ng ahensiya ang UP-Philippine General Hospital (UP-PGH) habang puno ng pasyente ang ER ng naturang pagamutan alinsunod sa patnubay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nilinaw naman ng kalihim na walang nakikitang kakaiba o delikadong mga dahilan sa pagkapuno ng ER ng nasabing ospital at ipinaliwanag na bumababa rin ang bilang ng mga naka-admit na pasente sa ER matapos ang ilang araw.

Ayon pa sa kalihim, nakausap na ng DOH ang PGH para sa posibleng paglipat ng mga kasalukuyang pasyente patungo sa ibang mga ospital ng DOH.

Kayat pansamantala, inaabisuhan ang lahat ng mga ospital, klinika, ambulansya at doktor na iwasan munang magdala ng bagong pasyente sa UP-PGH, at dalhin muna sa mga sumusunod na DOH hospital:

Pinapayuhan din ng DOH ang publiko na tumawag muna kung kakayanin bago magdala ng pasyente sa DOH Metro Manila Center for Health Development (MM CHD) sa mga numerong 0956-1753710 o 0920-2511800.