-- Advertisements --
Posibleng tapusin na ngayong linggo ng Food and Drug Administration (FDA) ang ginagawang pagsusuri ng kanilang vaccine expert panel and regulators kung bibigyan na ba ng emergency use authorization ang Pfizer vaccine.
Gayunman ayon kay FDA Director General Eric Domingo, nakadepende pa rin sa Pfizer ang pagsuplay sa Pilipinas ng bakuna kahit pa naghain sila ng aplikasyon.
Ginawa ni Domingo ang paliwanag kasunod ng panawagan ng ilang cabinet members na bilisan na ng FDA ang pag-apruba sa mga vaccine.
Giit naman ng FDA sa ngayon aniya ang Pfizer pa lamang ang nag-aplay sa Pilipinas.
Hindi rin daw nila mapupuwersa ang iba pang mga kompaniya na ibigay sa kanila ang mga samples ng bakuna para sumailalim sa testing.