-- Advertisements --
EMS 1
j4/ eminem FB POST

Nagpasya ang rapper na si Eminem na isubasta ang kaniyang kakaiba at mamahaling Jordan 4 na sapatos para makatulong sa mga naapektuhan ng coronavirus pandemic.

Sa kaniyang social media account, inanunsiyo ng tinaguriang Rap God na kaniyang isusubasta ang Jordan 4 Retro “Carhartt x Eminem” na nakatago lamang sa kaniyang bahay.

Ang nasabing uri ng sapatos ay mayroong 10 piraso lamang na ginawa noong 2015 at ibinenta sa eBay kung saan napunta ang nalikom noon sa Marshall Mathers Foundation.

Mabibili ang nasabing sapatos mula $20,000 hanggang $28,000.

Ang malilikom na pondo ngayon ay mapupunta sa COVID-10 Solidarity Response Fund ng World Health Organization.