-- Advertisements --

Nanguna ang Filipino American Olympian na si Emma Malabuyo sa US National Collegiate Athletic Association (NCAA) season kung saan nagpakitang gilas ito para sa University of California, Los Angeles (UCLA) Bruins.

Ginanap ang naturang sports events sa Big Ten Conference women’s gymnastics showdown laban sa Michigan State Spartans at tinanghal siyang kampeon sa balance beam na may kahanga-hangang meet-winning average score na 9.925.

Ang performance ni Malabuyo sa beam ay hindi matatawaran. Sa huling rotation floor nakakuha ito ng 9.95 na nag-tala sa tagumpay ng UCLA sa meet.

Kasama ni Malabuyo sa kumpetisyon sina Olympic gold medalist Jordan Chiles at teammate Chae Campbell na parehong nakakuha naman ng perfect 10.0.

Samantala sa post ng B1G Gymnastics makikita sa video ang flawless routine ni Malabuyo sa beam, na nagpaabot naman ng papuri sa dalagita at may caption na, ”Practice makes perfect for (Emma Malabuyo) & (UCLA Gymnastics) on beam.”

Dahil sa tagumpay na ito, umakyat si Malabuyo sa ika-4 na ranggo sa 2025 NCAA balance beam rankings, na nagpapatibay sa kanyang status bilang isa sa mga nangungunang gymnasts sa bansa.

Maaalalang si Malabuyo ang kauna-unahang Filipino American gymnastics team sa 2024 Paris Olympics na nagmarka naman ng isang makasaysayang milestone bilang unang kumatawan sa Pilipinas sa women’s artistic gymnastics sa loob ng 60 taon.