Tuloy-tuloy pa rin ang pamamayagpag ng teenager at British sensation na si Emma Raducanu na uusad na sa US Open finals matapos ma-upset sa straight-set ang Greek 17th seed Maria Sakkari sa New York.
Dinomina ni Raducanu, 18, ang laro sa pamamagitan ng 6-1, 6-4 victory upang maitsapuwersa ang mas beteranang kalaban.
Dahil dito, makakaharap ni Raducanu sa finals sa Linggo ang isa pang teenager na Filipino Canadian na si Leyla Fernandez, 19.
Bilang first qualifier na umabot sa Grand Slam final, siya rin ang unang British woman na sasabak sa major singles final sa loob ng 44 na taon.
Ilan pa sa naitalang makasaysayang record ni Raducanu ay ang mga sumusunod: siya ang youngest British Grand Slam finalist sa loob ng 62 years, mula pa kay Christine Truman na umabot sa French Open final sa edad na 18-anyos noon pang taong 1959, kauna-unahang British woman na umabot sa US Open final sa loob ng 53 years, kung saan huling nakasungkit sa naturang puwesto ay si Virginia Wade noong 1968, at ang ika-apat na British woman na umusad sa Grand Slam final sa Open era ng tennis.
Bago pa man ang semi-finals nasilat din ni Raducanu si Swiss Olympic gold medalist at world’s number 11 Belinda Bencic 6-3, 6-4.
“The time in New York has gone so quickly, I’ve been taking care of each day and three weeks later I’m in the final,” ani Raducanu matapos ang historic win. “I actually can’t believe it.”