-- Advertisements --

Nagpasya ang organizers ng Emmy Awards na ipagpaliban ang nasabing ceremony ngayong taon.

Kasunod ito sa patuloy na nagaganap na kilos protesta sa Hollywood.

Nakatakda sanang ganapin ito sa buwan ng Setyembre subalit dahil sa pangyayari ay maaring gawin na lamang ito sa buwan ng Enero.

Ayon sa organizers na kanilang inabisuhan ang mga sponsors at lahat ng mga tao na kabilang sa awarding na ito ay hindi na matutuloy.

Nagkilos protesta ang mga nasa Hollywood na humihingi ng pantay na bayad gaya ng ibinabayad sa mga pelikulang ipinapalabas sa mga streaming sites.