DAVAO – Buhos ang emosyon ang isinagawang libing sa dabawenyang artist na si Breanna Patricia Jonson Agunod o mas kilalang Bree Jonson kaninang pasado alas dos ng hapon sa Davao Memorial Park.
Una ng isinagawa ang misa sa isang simbahan sa Ascension of our Lord Parish sa Matina nitong lungsod kung saan dumalo ang kanyang mga malalapit na kaibigan at kamag-anak.
Hindi mapigilan ng ina ni Bree si Salome Jonson na ibuhos ang emosyon sa pagkawala ng kanyang nag-iisang anak.
Hindi naman nakadalo sa libing ang kanyang ama kung saan ito umano ang nagdala naman ng labi ni Bree mula sa La Union.
Dismayado si Dr. Salome Sally Jonson sa umano pagpa antala sa usad ng kaso.
Hindi pa umano makausad ang imbestigasyon dahil Hindi pa bae turn over sa NBI ang mga ebidensiya kasama na dito ang organ ni Bree na kinuha ng pathology na tinuturing vital sa imbestigasyon.
Ipinunto nito ang di pantas na pagpapatupad ng batas lalo na ang usapin sa illegal na droga kung saan una ng narekober ang mahigit 12 gramo ng cocaine mula kay Julian Ongpin na kasintahan ng biktima.
Kinuwestiyon din nito ang pagpapalaya kay Julian kahit na hindi naman bailable ang kinahaharap nito na kaso.
Nagsampa ng motion for reconsideration ang kampo ng mga Jonson laban sa kay Julian Ongpin.