-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nahuli na ng pulisyang nadestino sa police box sa may highway ng JC Aquino Avenue corner Montilla Bouevard, sa Brgy. Tandang Sora nitong lungsod ng Butuan, ang isang gwardiya na nagtangkang manloob sa usang Travel and Tours Agency at pinagsasaksak ang isang ticketing employee nito.

Nakilala ang nahuling si RolandoMaamo Gerodico Jr., 51-anyos, netibong taga-Montalvan Burgos Brgy. 13 Cagayan de Oro, City at nakatira ngayon sa T. Calo Ext. Brgy. Limaha nito ring lungsod.

Napag-alamang dakong alas-8:20 kaninang umaga nang pumasok ang suspetsado sa Travel and Tours Agency at nagpapanggap na kostumer sabay deklara ng hold-up ngadto sa biktimang si Gladys Roa Daigan, 40-anyos, may asawa at residente ng Employees Village, sa Brgy, Libertad nitong lungsod.

Kaagad nitong pinagsasaksak ang biktima na nakatakas naman at nasaklolohan kung kaya’t agad namang nadakip ng pulisya ang responsable na nakunan pa ng isang yunit ng .38 caliber revolver na may dalawang mga bala at patuloy pangp[inaghahanap ang kanyang ginamit sa pagsaksak sa biktima.