-- Advertisements --

COTABATO CITY — Isang empleyado ng Bangsamoro Transition Authority o ng BTA ang biktima ngayon ng insidente ng pamamaril sa lungsod Cotabato ngayong gabi ng Martes.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Sulainman Kusaon Macabaong, 50 anyos, residente ng Awang sa bayan ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao Norte at kasalukuyang empleyado ng nasabing pamahalaan.

Sa paunang ulat ng pulisya sa pamamagitan ng imbestigador na si PSSG Romulo Abogho Jr., lulan ng kanyang Metallic Gray Toyota Vios na may plakang GAT 2575 sa kahabaan ng Gov. Gutierrez Avenue barangay RH 7 sa may harapan ng isang malaking mall ang biktima dakong 6:30 ng gabi ng ito ay barilin ng nakamotorsiklong suspek ng paulit ulit hanggang sa tamaan sa kanyang likod at kaliwang balikat.

Isinugod ng mga operatiba sa pagamutan partikular sa Cotabato Regional and Medical Center ang biktima para lapatan ng atensyong medikal.

Sa ngayon, patuloy ang pulisya sa pagtugis sa suspek at sa malalim pagiimbestiga hinggil sa kung ano ang motibo na nagresulta sa nasabing pangyayari.