-- Advertisements --

Posible umanong matanggal sa trabaho ang isang babaeng opisyal ng Land Tranportation Office sa Dipolog City kung mapapatunayang lumabag ito sa mga existing rules and regulation ng Civil Service Commission.

Ito’y matapos makuhanan ng video ang nasabing empleyado haban nagpapa-rebond ng kaniyang buhok sa loob mismo ng tanggapan.

Makikita rin sa viral video na naghihintay ang ilang kliyente sa cashier’s window.

Sa ngayon ay naglabas na ng 5 days suspension order para sa babaeng nasa video na magsisimula sa August 10. Hindi na pinangalanan pa ang empleyado at kasalukuyang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng LTO hinggil sa pangyayari.

Hindi naman malinaw kung ang babaeng nagrerebond sa nasabing empleyado ay nagtatrabaho rin sa parehong tanggapan.