-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Patay ang isang lalaki matapos na pagbarilin sa bayan ng Alang-alang, Leyte.

Kinilala ang biktima na si Jose Cedric Saavedra, residente ng Sitio Bonol Brgy. Binongtoan, Alangalang, Leyte.

Ayon kay Lt. Juan Elizer Abillon, hepe ng Alangalang MPS, na pauwi na sana ang biktima sakay ang kaniyang motorsiklo nang bigla itong tambangan ng hindi nakilalang mga suspek.

Naagtamo ng iba’t ibang tama sa katawan ang biktima na naging dahilan nang kaniyang agarang pagkakamatay.

Isa sa mga tinitingnan anggulo ngayon ng mga otoridad ay ang trabaho niya sa Municipal Trial Court.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon at operasyon ng mga otoridad nang sa gayon ay matukoy at mahuli ang nasa likod sa naturang krimen.