-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patay ang delivery boy ng Food Panda matapos barilin ng security guard ng pinaghatirang bangko sa Robinsons Place Iloilo sa J. De Leon Street, Iloilo City.

Ang biktima ay si Joemar Sanchez ng Brgy. Bitoon, Jaro, Iloilo City.

Habang ang suspek naman ay si Argie Solis, ng Laua-An, Antique at security guard ng Malayan Bank.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Captain Shella Mae Acanto Sangrines, hepe ng Iloilo City Police Station 1,sinabi nito na nagalit ang guwardya matapos inilapag ng delivery boy ang pagkain sa kanyang logbook.

Ang pagkain ay para sana sa empleyado ng bangko.

Humingi ng paumanhin ang biktima ngunit bigla na lang siyang binaril ng suspek na kaagad na tumakas matapos ang krimen.