-- Advertisements --

Nabikitima nang tinaguriang “Asian hate crime” ang isang Philippine Consulate General diplomat habang ito ay nasa subway train ng New York City.

Sinabi ni Consul General Elmer Cato na isang babaeng consular officer ang pinagsalitaan ng mga masasamang pahayag habang ito ay nasa B train.

HIndi naman na pinangalanan nito ang babaeng consul officer kung saan papasok na ito sa kaniyang trabaho nang mangyari ang insidente.

Pagkatapak lamang nito sa train ay tinanong agad ito ng isang indibidwal at kung taga saan hanggang sa ito ay pinagmumura.

Isinumbong na nila ang nasabing insidente sa New York City Police para mabigyan ng atensiyon.

Ito na aniya ang pang-14 na insidente na kinasasangkutan ng isang miyembro ng Filipino community.