-- Advertisements --
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang babaeng empleyado ng Tagbilaran City government matapos ang isinagawang buybust operation ng mga sakop ng Philippine Drug Enforcement Agency-7 sa Purok 4, Brgy Poblacion I, Tagbilaran City , Bohol pasado alas 5:30 kahapon, Nobyembre 11.
Kinilala ang naaresto na si Jenilyn J. Fuerte, 42 anyos at residente ng nasabing lugar.
Nakumpiska mula kay Fuerte ang 14 na pakete ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng aabot sa P13, 600 at iba pang drug paraphernalia.
Samantala, nagawa namang tumakas ng subject sa operasyon na kinilalang si Joseph Fuerte alias Ondoy at isang Aldrin Garing alias Opaw.