-- Advertisements --

Arestado ang isa empleyado ng Iloilo Provincial Capitol sa isinagawang drug buy-bust operation sa Barangay Don Esteban, Lapuz, Iloilo City.

Ang nahuling subject ay si Jojerick Bisnar, residente ng Barangay 3 Poblacion, San Miguel, Iloilo, at nagtatrabaho bilang administrative aide ng kapitolyo.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Lieutenant Colonel Antonio Benitez, head nng City Drug Enforcement Unit , sinabi nito na isang buwan din nilang minanmanan si Bisnar hanggang sa naisagawa ang matagumpay na operasyon.

Narekober naman kay Bisnar ilang sachet ng suspected shabu na tumitimbang ng 20gramos at may standard market value na P136,000.

Nakatakda itong sampahan ng kasong paglabaga sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.