Iginiit ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) president na bilang principle hindi dapat na parusahan ang mga produktibo at may pera at kaltasan ang mga ito ng hindi patas.
Ginawa ni ECOP president Sergio Ortiz-Luis Jr, ang naturang pahayag kaugnay sa naging rekomendasyon ng ilang labor group na bakit hindi na lamang buwisan ang mga bilyonaryo para iinvest sa Maharlika wealth fund sa halip na gamitin ang pera ng manggagawang Pilipino.
Sinabi ni Atty. Sonny Matula, Nagkaisa Labor Coalition chairman na hindi pa napapanahon ang pagbuo ng Maharlika wealth fund sa bansa at kung kailangan talaga aniya ito at dapat n ahuwag isama ang pera mula sa pension funds.
Una na ring sinabi ni Nice Coronacion, deputy secretary general ng Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (Sentro), na ang wealth tax ang angkop na source para sa Maharlika Investment fund dahil ang surplus fund o sobrang yaman ay dapat na hindi manggaling sa nakokolektang ng gobyerno na hindi kayang mawala ng gobyerno sa maling investment.
Sa ngayon, nirepaso na ang panukalang Maharlika Investment Fund kung saan hindi na kukuha ng pondo mula sa financial institutions gaya ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS). sa halip ay gagamitin na lamang ang profits na magmumula sa Bangko Sentral ng Pilipinas.