VIGAN CITY – Hangad ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na gamitan na umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ng “kamay na bakal” ang mga pasaway na employers na ayaw magbigay ng financial assistance sa mga empleyadong apektado ng enhanced community quarantine dahil sa COVID- 19.
Ito ay sa kabila ng mayroon ng kautusan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa lahat ng mga employers na kanilang tutulungan ang mga empleyadong hindi na nakakapasok sa trabaho dahil sa ECQ.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan, sinabi ni TUCP spokesman Allan Tanjusay na ito na umano ang panahon para pwersahin ng administrasyon ang mga pasaway na employers dahil marami pa rin silang natatanggap na reklamo na nanggaling sa mga empleyadong tila pinabayaan na ng kanilang mga employers.
Aniya, karamihan umano sa mga inirereklamo sa kanilang tanggapan ay ang mga private companies, pati na ang ilang small at medium enterprises na hindi tumatalima sa kautusan ng DOLE.