BUTUAN CITY – Nakapagtala lang ng 3-porsientong unemployment rate ang Caraga Region as of Abril nitong taon matapos itong lumagpas sa target ng Department of Labor and Employment o DOLE-Region 13 habang nasa 3-porsiento naman ang unemployment rate.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni DOLE-Caraga regional director Atty. Joffrey Suyao na patunay lamang ito sa pagbabalik na sa normal sa ekonomiya nitong rehiyon dahil mas mataas pa ito kung ikumpara sa buong taon ng 2019 bago tumama ang COVID-19 pandemic kungsaan nakapagtala lang ang rehiyon ng 94.9-porsiento na employment rate habang 5.1-porsiento naman ang unemployment rate.
Malaki ang pasasalamat ng opisyal dahil senyales ito na handa na ang mga business establishments nitong rehiyon na mag-engage muli sa negosyo at magha-hire muli ng mga trabahante.
Malaking tulong sa pagsigla ng employment rate ang mga major contributors gaya ng industriya sa pagmimina nga syangmay pinakamalaking employment rate at stable na rata sa pagtatrabaho kahit sa panahon ng pandemya.
Habang ang service industry ay sya namang nagbibigay ng napakalaking kontribusyon gaya ng mga hotels, restaurants, accommodations, retail industries, mga tindahan at iba pa.