-- Advertisements --

Tumaas ang employment rate ng Pilipinas pagpasok ng administrasyong Marcos at nalampasan na rin nito ang lebel noong bago ang pandemya, ayon ito sa Labor Force Survey (LFS) ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon sa datos, umangat ng 96.3% ang employment rate ng bansa mula 95.5% noong nakaraang taon. Nadagdagan ng halos 2.2 million na mga Pilipino ang nagkaroon ng trabaho.

Samantala, tumaas din ang underemployment rate ng bansa na mula 10.7% noong nakaraang taon, ngayon ay nasa 11.9%, ibig-sabihin na marami ang mga trabaho para sa mga Pilipino ngunit nagsisilbing hamon pa rin ang pagkakaroon ng trabaho na may kalidad at akma sa kakayahan ng isang Pilipino.

Kaugnay nito, bumaba ang unemployment rate ng bansa na mula 4.5% ay naging 3.7% na lamang. Ito ay dahil na rin sa pagkakaroon ng reporma sa socio-economic na aspeto at mga inisyatiba ng gobyerno.

Pagtitiyak ng ahensya na ipagpapatuloy pa rin ang paggawa ng mga trabahong may kalidad at pakikipag-ugnayan sa mga pribadong sektor para sa mga trabaho na maaaring ibigay sa mga Pilipino.