-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Namayagpag ang bayan ng Balete, Aklan sa muling pagsali nito sa Higante contest bilang bahagi ng selebrasyon ng Kalibo Sto. Niño Ati-atihan Festival 2020.

Tinalo ng Enchanting Balete ang pitong iba pang higante na kabilang sa contest partikular ang entry ng Ibajay, Kalibo, Libacao, Malinao, Nabas, Numancia at Tangalan.

Maliban sa plaque of appreciation ay nakatanggap din ang bayan ng P45,000 na premyo.

Second placer naman ang bayan ng Nabas na nakatanggap ng P40,000 na cash prize; pumangatlo ang munisipalidad ng Libacao na nakakuha ng P35,000; fourth placer ang higante ng lokal na pamahalaan ng Malinao na may P30,000 at panglima ang bayan ng Ibajay na umuwi ng P25,000 cash prize.

Habang P15,000 naman ang natanggap ng mga hindi nanalong bayan bilang consolation prize.

Nabatid na ang LGU-Balete ay namahinga ng isang taon matapos na naging hall of famer noong taong 2008.

Ang Higante contest ngayong taon ay may temang “Ati in flowers, fruits and foliage” kung saan, ipinakita ng mga munisipalidad sa kanilang higante figures ang mga endemic flowers, local fruits, at iba pang tanim na makikita sa lalawigan ng Aklan bilang suporta sa preservation ng environment o Mother Earth sa pamamagitan ng responsableng paggamit ng natural resources.