-- Advertisements --

Ibinahagi ni Enchong Dee ang pagkakaaksidente nito.

Nagtamo kasi ng sugat sa ilang bahagi ng mukha ng actor matapos na masunog ang lata ng oil.

Sa kaniyang Twitter account, nagpost ito ng larawan kung saan bakas pa sa kaniyang baba ang sugat na natamo mula sa sunog.

Ayon sa actor nagmula ang nasabing aksidente noong Oktubre 26 kung saan habang kasama ang mga kaibigan ay nakaamoy sila ng may nasusunog.

Nakita nila ang lata ng oil kaya agad nitong kinuha para maapula ito subalit bigla itong tumalsik sa mukha niya.

Nag-alala naman ang kaniyang fans at nagcomment ang mga ito ng pagpapaingat sa 30-anyos na actor.

Nagpaalala na rin ang actor sa kaniyang mga fans ng ibayong pag-iingat sa mga sunog.

Inihalimbawa nito ang pag-iingat sa mga scented oil at iba pang maaaring pagmulan ng sunog.