-- Advertisements --

Ipinagpatuloy muli ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) nitong umaga ang encoding ng election returns nationwide.

Dumating ang mga volunteers sa PPCRV command center sa Paco, Manila para sa first shift ngayong araw mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali.

Nabatid na dinadala sa command center ang physical copies ng election returns mula sa mga lungsod at probinsya para sa manual encoding ng mga volunteers upang matukoy kung tugma ito sa figures mula naman sa transparency server ng Comelec.

Ayon kay PPCRV spokesperson Agnes Gervacio, kabilang sa mga election returns na kanilang natanggap ay mula sa Metro Manila, Cavite, Bulacan, Pangasinan, Baguio City, La Union, Nueva Ecija, Cagayan, at Tarlac.

Sinabi ni Gervacio na balak nilang tapusin ang encoding ng lahat ng election returns sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo.