-- Advertisements --
Villanueva

Pasado na sa pinal at huling pagbasa ng Senado ang “Security of Tenure and End of Endo Act of 2018.”

Layunin ng panukalang ito na palakasin ang security of tenute ng mga trabahador at ipagbawal na ang labor-only contracting na ipinatutupad ng ilang employer.

Sa bilang na 15 boto ay naaprubahan ng mga sebador ang bill, habang wala namang kumontra.

Ayon kay Senate committee on labor, employment and human resources development chairman Sen. Joel Villanueva sa panayam ng Bombo Radyo, bahagi ito ng kanilang priority bills na naipangakong tatapusin para sa 17th Congress.

Matatandaang una nang nakapasa sa Kamara ang kaparehong panukala kaya’t bicameral conference na lamang ang kailangan para maplantsa ang bill bago ito isumite kay Pangulong Rodrigo Duterte para malagdaan.

“The next phase of our struggle to end endo is in the bicam. We are determined to pursue this, especially that this measure has been certified urgent by the executive,” wika ni Villanueva.