Kapayapaan at tuluyang pagbangon ng Marawi City ang sentro ng panalangin ni Vice President Leni Robredo para sa Muslim community ngayong pagtatapos ng Ramadan.
Sa kanyang mensahe, ipinaalala ni Robredo ang kahalagahan ng malasakit sa kapwa, lalo na ang mga nangangailangan ng labis na tulong.
“We pray for our brothers and sisters from Marawi, who are still suffering and unable to return to their homes for two years now since the siege,” ayon sa bise presidente.
“We continue to pray for peace in the Bangsamoro region, especially as it transitions into a new era,” dagdag pa nito.
Ayon ka Robredo, magsilbi rin sanang mitsa para sa bawat Muslim ang pagtatapos ng Ramadan para gunitain ang mga aral ng kanilang kultura.
“As we mark the end of the holy month of Ramadan, may this be a time to reflect on the values that are deeply embedded in the fabric of your culture – your value for selfless sacrifice, your genuine compassion for others, and your spirit of generosity.”
“You serve as great examples to the rest of the nation of how we embody hope by feeding the hungry, clothing the homeless, and comforting the orphaned.”