Sa gitna ng paggigiit ng Police Regional Office 11 na may bunker si Pastor Apollo Quiboloy sa ilalim ng Kingdom of Jesus Christ, binigyang-diin ni Davao Region Police director, Gen. Nicolas Torre III na hindi simpleng bunker ang kanilang hinahanap.
Paliwanag ni Gen. Torre, ang bunker na kanilang hinahanap ay isang ‘End of the world type-bunker’ o isang bunker na kayang suportahan ang ilang katao sa loob ng maraming araw.
Dahil sigurado aniyang may mga supplies sa loob ng bunker, sinabi ni Torre na walang estimate kung ilang araw kayang mabuhay ng mga tao sa loob nito, kabilang na si Pastor Quiboloy na pinaniniwalaan ding nitong nasa nagtatago sa loob.
Giit ni Torre III, ang naturang bunker ay itinayo ng isang mayamang indibidwal na nagmamay-ari ng ilang airplane, at helicopter na nasa kanya mismong bakuran(hangar).
Una nang pinalutang ng PNP ang posibilidad ng pagkakaroon ng bunker sa loob ng KOJC compound kung saan pinaniniwalaang nagtatago si Quiboloy.
Ito ay batay sa umano’y namonitor ng PNP na ‘sign of life’ sa ilalim ng lupa, gamit ang kanilang ground-penetrating radar.
Maliban sa mga food supply, kumpleto aniya ito ng iba’t-ibang mga essential service tulad ng malinis na tubig, kuryente, at iba pang makapagbibigay ng komportableng buhay sa sinumang maninirahan sa loob.