-- Advertisements --
Narekober ng mga otoridad ang limang Komodo dragons at iba pang endangered animals na iligal na ibinebenta umano sa Facebook.
Ayon sa police spokesman ng East Java na si Ahkmad Yusep Gunawan, limang hinihinalang suspek ang arestado sa Semarang at Surabaya.
Ibinebenta umano ang bawat isa sa halagang $1,400 o 74,000 pesos.
Ang Komodo dragons ay itinuturing na pinaka-malaking uri ng butiki sa buong mundo. Kaya nitong humaba ng 3m (10ft) at may matatalas na ngipin at makamandag kagat.
Ang mga ito ay nakikita lamang sa maliliit na isla ng Indonesia.
Dagdag pa nito, umamin ang mga suspek na nakabenta na ang mga ito ng 41 reptiles.
Maaaring humarap sa limang taong pagkakakulong ang mga suspek kapag napatunayang guilty.