-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nadiskubre ngayon ang isang critically endangered juvenile Philippine eagle sa kagubatan na bahagi ng Mount Apo.

Ito ang iniulat ng Philippine Eagle Foundation (PEF), isang non-government organization na nagpoprotekta sa mga agila sa bansa.

Sinasabing nagpapahinga umano ang nasabing agila malapit lamang sa bulkan.

Mismong ang mga forest guards na inatasan na magbantay sa lugar ang nakakita ng agila dahilan kaya agad pumunta ang mga biologists sa lugar para i-verify ang impormasyon.

Nabatid na Pebrero noong nakaraang taon, isang bago rin na pugad ang nadiskubre sa bulubundukin na bahagi sa Bukidnon.

Matapos ang isinagawang pananaliksik ng PEF, kanilang napag-alaman na may isang 10 to 11 months na eaglet kasama ang kanyang ina na nasa lugar.

Nabatid na kinilalang pinakamalaking ibon sa buong bansa ang agila at kinokonsidera ito bilang endangered species mula taong 1965 hanggang kinilalang “critically endangered” ng International Union for the Conservation of Nature.

Sinasabing ang Mindanao ang kinokonsiderang tirahan ng mga agila dahil hindi ito masyadong naapektuhan ng kalamidad gaya ng bagyo na malaking tulong sa nasabing mga ibon para patuloy itong makapamuhay.