-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nadiskubre ng mga mountain climber kasama ang lakaw ni Paw ng Sta Cruz Tourism sa Mount Apo ang pambihirang uri ng unggoy.

Ito ay tinatawag na Alpha Male Philippine Long-tailed Macaque (Macaca fascicularis philippensis) sa hangganan ng bundok Apo sa bahagi ng Sta. Cruz Trail, Davao del Sur.

Madalas matagpuan ang naturang Unggoy sa malalaking bundok sa bansa at tinuturing na endangered species.

Nagpaalala ang mga kawani ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga umaakyat sa pinakamataas na bundok sa bansa na “panatilihin ang distansya sa mga wildlife species at iwasang hawakan, pakainin at saktan ang mga ito.

Matatandaan na unang nakita sa Mount Apo ang isang uri ng malaking Baboy ramo at paubos narin ang kanilang lahi.