-- Advertisements --
Hindi na prioridad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na “endo” o “end of contract”.
Sinabi ni Presidential Advisers on Political Affairs Jacinto Paras na kaya na-veto na ito ng pangulo noong nakaraang mga taon dahil hindi nito naresolba ang problema sa pagitan ng labor at management.
Hindi naman nagbigay si Paras kung kailan ito muling mabibigyan ng prioridad.
Magugunitang isa ang nasabing panukalang batas na ipinagmalaki ng pangulo noong kasagsagan ng kaniyang kampanya sa pagkapangulo ng 2016.
Dagdag pa ni Paras na isa ngayong prioridad ng gobyerno ang pagbuo ng Department of OFW na isang mahalagang panukala lalo na at nangunguna ang mga OFW sa remittance.