Patuloy na umaasa si Sen. Joel Villanueva na lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naipasang batas na anti endo bill bago ang State of the Nation Address (SONA) sa July 22, 2019.
Para kay Villanueva, malaking tulong ito para sa mga mangagawa na tapusin na ang kontraktualisasyon sa bansa.
Aminado naman ang senador na ang Security of Tenure Bill ay naglalaman din kung saan nakasaad na sa Konstitusyon na dapat ibigay sa mga mangagawa nararapat na sahod at karapatan sa kompaniyang pinapasukan.
Hindi naman maiaalis sa isipan ng mambabatas na may ilang mga malalaking tanggapan ang naglo-lobby para mai-veto ito ng Pangulong Duterte.
Subalit umaasa ang senador na lalagdaan ito ng chief executive bago ang SONA dahil ipinangako niya ito sa nakaraang SONA na tatapusin na ang kontraktuwalisasyon o ang “endo” sa mga mangagagawa matapos ang limang buwan pagtratrabaho.