Susuportahan ng Party-list Coalition Fedrration Inc. (PCFI) ang endorsement ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa speakership race.
Ayon kay PCFI President at 1-Pacman Rep. Mikee Romero, ito ang napagdesisyunan sa ngayon ng 54-member group sa kanilang pulong isang araw matapos iendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang term sharing nina Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Alan Velasco.
Pero maari naman aniyang magbago ito sa oras na may ibang iendorso muli ang Pangulo bago sumapit ang Hulyo 22, ang pagbubukas ng 18th Congress.
Binigyan diin ni Romero na malaki ang impact ng endorsement ng Pangulo sa magiging resulta ng halalan.
Samantala, muling binigyan diin ni Romero na sila ay boboto bilang isang bloc o grupo sa kabila nang pag-alma raw ng ilan sa kanilang majority decision na suportahan ang endorsement ni Pangulong Duterte.
Nabatid na ilang miyembro ng PCFI ang nagpahayag ng suporta sa Duterte Coalition, na nageendorso naman kay Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab.