Kasalukuyang nakakaranas ng massive missile attack mula sa Russia ang energy infrastructure ng Ukraine ngayong Huwebes, Nobiyembre 28.
Ito na ang ikalawang pagkakataon ngayong Nobiyembre na naglunsad ng ganitong pag-atake ang Russia.
Nagresulta ito sa pagkawala ng suplay ng kuryente sa 523,000 households at mga kompniya sa western Lviv region. Gayundin nasa 260,000 katao naman sa west ng Kyiv ang nawalan ng suplay ng kuryente at tubig.
Ayon kay Ukraine Energy Minister Herman Halushchenko, nagdeklara na ng emergency power outages sa mga rehiyon sa Kyiv, Odesa, Dnipro at Donetsk bunsod ng kabila’t kanan ang mga pag-atake sa energy facilities.
Nagdeklara na rin ng air raid alert sa buong Ukraine dahil sa missile threat.
Hindi pa matukoy sa ngayon kung ilan ang pinakawalang missiles ng Russia target ang mga energy infra ng Ukraine subalit sa naunang massive attacks nito, pumalo sa 120 missiles at 90 drones ang inilunsad ng Russia.
Ang naturang pag-atake ay inilunsad ng Russia sa gitna ng lalo pang pagbagsak ng temperature sa buong Ukrine sa zero degrees Celsius.
Nauna na ngang ibinabala ni senior UN official Rosemary DiCarlo na maaaring ang winter ngayon sa Ukraine ay ang pinakamalala simula ng sumiklab ang giyera halos 3 taon na ang nakakalipas bunsod ng pagpunterya ng Russia sa energy infrastructure ng Ukraine.