Iniimbestigahan na ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang dahilan ng overpriced na singil ng kuryente.
Nag-ugat ang hakbang na ito ng komisyon matapos na makatanggap ng samu’t saring reklamo mula sa consumers.
Saklaw sa iimbestigahan ang lahat ng private utilities (PUs) at electric cooperatives (ECs) sa bansa at kani-kanilang power suppliers sa bisa ng power supply agreements.
Layunin ng imbestigasyon na matukoy kung ang charges na ipinapasa sa mga consumer ay makatarungan nang walang mga nakatago at sobrang mga charges.
Ayon kay ERC chair and CEO Monalisa Dimalanta, sa isasagawang validation, kailangang isumite ang mga dokumeno na susuporta sa mga detalyadong kalkulasyon ng fuel charges na isa sa dahilan ngpagtaas ng singil ng kuryente simula noong Enero 2022.
Sakali man na mapatunayang mayroong mga hidden charges o sobrang ipinapataw base sa kalalabasan ng findings, sinabi ng ERC na imamandato sa mga ito na i-refund ang nakolektang sobrang halaga at papatawan ng kaukulang penalties.