-- Advertisements --
Screenshot 2019 04 13 18 50 06
IMAGE | National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)

Patuloy na umaani ng batikos mula sa mga mambabatas ang energy officials at stakeholders kasunod ng pagpalya sa ilang planta ng kuryente noong nakaraang linggo na nadulot ng rotational brownouts sa Luzon.

Nababahala si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate dahil posible umanong maulit ang nangyari noong 2013 kung saan nabatid na nagsabwatan ang stakeholders para tumaas ang singil sa kuryente.

Dahil dito naghain na raw ng resolusyon ang kanilang hanay sa Kamara para imbestigahan ang insidente.

“We filed Resolution No. 928 to investigate this suspicious occurrence but the committee on energy just sat on it. We cannot have a repeat of 2013 and 2017,” ani Zarate.

Sinang-ayunan naman ito ni Metro Manila Development Council committee chair Cong. Winston Castelo.

Para naman sa mga party-list congressman na sina 1-Pacman Rep. Mikee Romero at House Committee on Energy chair 1-Care Rep. Carlos Uybarreta, dapat magsimula sa pamahalaan ang kampanya sa pagtitipid ng kuryente.

“We would like to find out if there is a power crisis. And if there is one, we need to know what we can do about it. We need to discuss solutions to ease the burden on the public who will bear the brunt of this,” ani Castelo.

“If the government will lead the campaign, I am sure the private sector will willingly follow and adopt similar energy-saving measures,” ani Romero.

Nauna ng binanatan ng mga senador ang serye ng yellow at red alert na tumama sa Luzon Grid.

Ayon kay Senate Committee on Energy chair Sen. Sherwin Gatchalian, kwestyonable ang mga datos na nilabas ng Department of Energy (DOE) dahil hindi umano ito nagtutugma sa report ng National Grid Corporation of the Philippines.

Para naman kay Senate Pres. Tito Sotto, hudyat ito para amiyendahan na ang mga probisyon ng Public Service Act.

“We would like to find out if there is a power crisis. And if there is one, we need to know what we can do about it. We need to discuss solutions to ease the burden on the public who will bear the brunt of this,” ani Gatchalian.

Ngayong araw, haharap sa isang press conference ang DOE at stakeholders para ipaliwanag ang sitwasyon ng energy industry sa bansa.