-- Advertisements --

Idineklara ng Palasyo Malacanang ang Enero 23, 2024 bilang special non-working day sa lalawigan ng Bulacan

Ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang probinsiya na ipagdiwang ang ika-124 na anibersaryo ng pagpapasinaya ng kauna-unahang Republika ng Pilipinas na naganap sa Barasoain Church sa Malolos, Bulacan noong Enero 23, 1899.

Ito ay sa bisa ng Proclamation No. 428 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa pamamagitan ng authority ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr noong Disyembre 20, 2023.

Nakasaad dito na marapat aniya na mabigyan ng ganap na pagkakataon ang mamamayan ng probinsya ng Bulacan para makibahagi at magsaya sa selebrasyong ito.