-- Advertisements --
Aubrey engaged
“Together 18 years, engaged 8 hours… Here’s to forever with you!”

Inuulan ng pagbati mula sa mga kapwa nila artista ang mag-partner na sina Troy Montero at Aubrey Miles.

Ito’y kasunod ng anunsyo ng 44-year-old Fil-Am actor na patungo na talaga sa “forever” ang kanilang 18 taon na pagsasama.

Kalakip nito ang mga sweet pictures nila ng 40-year-old actress habang nasa gitna ng dagat sa Boracay kung saan ipinakita ang engagement ring.

Kabilang sa mga kasamahan sa show business na kaagad bumati sa soon to be husband wife ay sina “Yam” Concepcion, Maui Taylor, Iza Calzado, Daniel Matsunaga, Meg Imperial, at iba pa.

Una nang ibinunyag nina Troy at Aubrey na April 2020 pa dapat sila ikakasal sa kanilang dream location sa Batanes, ngunit ipinagpaliban muna dahil sa pandemya.

Mayroon na silang dalawang anak na 13-anyos at tatlong taong gulang. Si Miles naman ay may anak na sa dating nakarelasyon na ngayon ay edad 21 na.