-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nasa bilanggoan na ang isang engineer matapos nakunan ng ilegal na drogas at mga baril sa ginawang operasyon ng pulisya alas 7:00 ng gabi sa Purok-1, Barangay Dumalagan, Butuan City.

Nakilala ang suspetsado na si Engr. Abelard Salcedo Medado alyas Abel, 51-anyos, binata at residente sa nasabing lugar at kinokonsiderang High Value Individual Regional Top Priority Target.

Bitbit sa otoridad ang search warrants na inilabas sa Presiding Judge ng RTC Branche 33, 10th Judicial Region, Hall of Justice, Libertad, Butuan City may kaugnayan sa paglabag sa RA 9165 at RA 10591.

Sa nasabing operasyon, nakuha galing sa posisyon ng suspek ang isang heat sealed plastic transparent sachet sa suspected shabu na may bigat na tatlong gramo pati na ang mga illegal drug paraphernalias.

Nakuha rin ang isang unit ng .45 na pistola nga may 3 magazine at 12 na mga bala at isa pang unit ng .9mm caliber pistol na may isang magazine at apat na bala.

Ang nakumpiskang mga bagay pati na ang suspetsado ay nasa kustudiya na ngayon sa Butuan City Police Office para sa tamang disposasyon.