DAVAO CITY – Patay ang isang 79-anyos na lalaki matapos ang nangyaring sunog kaninang umaga sa Barangay 38-D Rizal Extension nitong lungsod.
Sa imbestigasyon ng otoridad nagsimula ang sunog sa bahay ng biktima dahil umano sa naiwang nakasaksak na heater kung saan agad na kumalat ang apoy dahil gawa lamang sa mga light materials ang bahay.
Sinasabing na-trap sa loob ng bahay ang isang Engineer Rudy Gomela, 79 anyos habang nagtamo naman ng paso sa braso ang kanyang anak na si Atang Dela Cruz na nagluluto ng mangyari ang sunog at isang pang indibidwal.
Nasa apat na iba pang mga bahay naman ang kabilang rin sa mga tinupok ng apoy.
Inaalam pa ngayon ng otoridad ang kabuuang damyos ng sunog.
Nagpa-alala naman si FO3 Pizzaras, fire investigator ng BFP-11 sa publiko na manatiling alerto at i-check ang mga bagay sa loob ng bahay na posibleng pagmulan ng sunog.