CENTRAL MINDANAO-Sinimulan nang itayo ng 52nd Engineering Brigade ng Philippine Army ang nasa 75 units ng Temporary core shelter para sa mga pamilya na nawalan ng tahanan sa Makilala North Cotabato sa magkasunod na malalakas na lindol.
Ang mga itatayo na temporary shelters sa Pacheco Rubber Farm, Luna Norte, Makilala para sa mga internally displaced families ay pinondohan ng Philippine Army.
Ang mga pamilya na mula sa Barangay Bato sa bayan ng Makilala na ideneklarang high risk area dahil sa tindi ng landslide ang unang napiling pagtayuan ng core shelter.
Binisita naman ng mga miyembro ng Cotabato Provincial Rehabilitation Plan Task Force na bahagi pa rin ng rebuilding program ng Provincial Government sa pangunguna ni Governor Nancy Catamco.
Samantala sa President Roxas Cotabato tumanggap ng Financial assistance ang mga pamilya na nasira ang bahay kapwa partially at totally damage sa lindol.
Inihayag ng President Roxas LGU, na ito ay First batch pa lamang matapos ang assessment sa bawat mga bahay na isinagawa ng Municipal Engineers ng bayan.