-- Advertisements --

VIGAN CITY – Natagpuang patay ang isang binatang lalaki sa bodega ng kanilang bahay sa bayan ng Sta. Lucia.

Nakilala ang biktima ni si Luis Vilog Jr, Engineering Student sa Univeristiy of Northern Philippines at residente ng Brgy. Burgos sa nasabing bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Genesis Grace Vilog kapatid ng biktima, problema sa module, requirements at online class ang nakikitang nilang rason kung bakit nagawa ng kapatid nito na magpakamatay.

Nagulat na lamang umano sila ng makitang nakabitin ang kanyang kapatid sa likod ng pintuan ng kanilang bodega.

Sa imbestigasyon ng Sta. Lucia Municipal Police Station wala umano silang nakikitang foul play sa pagkamatay ng biktima.