-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nauwi sa barilan sa pagitan ng operation team ng Bansalan Police Station at Criminal Investigation and Detection Group-CIDG Davao del Sur at ang mga suspek na miyembro nang tinaguriang Sumalinog swindling/robbery group na responsable sa pagbebenta ng pekeng mga gold bars sa Km.77, Brgy. Tubod lungsod ng Bansalan Davao del Sur.

Nakilala ang isa sa mga suspek na si Ritchel Bacea Adoptante, 38, at residente ng Brgy. Coronon, Sta Cruz, Davao del Sur.

Habang nangyayari ang sagupaan, nakatakas patawid ng sapa ang kinikilalang lider ng nasabing grupo na si Darwin Sumalinog alyas Awing at Randy Sumalinog na parehong armado ng .38 revolver.

Narekober mula sa nahuling miyembro ang isang piraso ng putol na gold bar with markings; tatlong piraso ng fake gold bar na may marking; apat na pekeng piraso ng gold bar without markings; tatlong piraso ng pekeng gold na kulay itim na may marking, isang bundle ng budol money, P1,000 marked money at isang unit ng .38 revolver pistol na may limang live ammunitions.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Municipal Police Station ang nahuling miyembro at ang mga nakumpiskang pekeng gold bars para sa tamang disposisyon.