CENTRAL MINDANAO-Nagsilikas ang mga sibilyan nang sumiklab ang engkwentro ng Magkaaway na pamilya sa probinsya ng Cotabato.
Ayon sa ulat ng 602nd Brigade na sumiklab ang sagupaan ng magkaaway na grupo sa Barangay Tinutulan Pikit Cotabato.
Ang dalawang pamilya ay kapwa mga myembro umano ng isang Moro Fronts.
Nag-ugat ang gulo dahil sa alitan sa pamilya sa lupa na kanilang sinasaka.
Dahil sa takot ng mga residente ay lumikas ito patungo sa mga ligtas na lugar.
Humupa lamang ang barilan nang magkaaway na pamilya nang mamagitan ang 129th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at matataas nitong opisyal.
Nakatakda namang pulungin ni Pikit Mayor Sumulong Sultan ang magkaaway na pamilya para sa mapayapang negosasyon sa iringan nila sa lupa.