-- Advertisements --

Magiging “personal choice” na sa England ang mga face masks.

Ito ay dahil sa pakonti-konti ng niluluwagan ng kanilang gobyerno ang coronavirus restrictions.

Sinabi ni Housing Secretary Robert Jenrick na maging siya ay hindi komportable sa pagsuot ng mask.

Nasa isang yugto na aniya ang kaniyang gobyerno sa pagpapaluwag ng coronavirus restrictions.

Kinokonsidera na rin ng kanilang gobyerno ang tuluyang pagtanggal ng restriction sa Hulyo 19.

Gaya aniya ng pag-iingat nila sa normal ng trangkaso ay ganun din ang inaasahan ng gobyerno na gagawin ng kanilang mga mamamayan.