-- Advertisements --
Magpapatupad ng panibagong national lockdown ang England.
Sa isinagawang anunsiyo ni British Prime Minister Boris Johnson na lahat ng mga paaralan hanggang kolehiyo ay magiging remote learning na lamang hanggang sa kalagitnaan ng Pebrero.
Hinikayat niya ang mga mamamayan na sundin agad ang nasabing kautusan.
Dagdag pa nito na ang ang top four priority groups ay makakatanggap ng first dose ng vaccine sa kalagitnaan ng Pebrero.
Malaki rin ang paniniwala nito na nasa huling yugto na ng pandemiya ang kaniyang bansa.
Nauna ng nagpatupad ng stay-at-home order ang Scotland na sinundan ng Wales habang pinag-aaralan pa ng Northern Ireland ang kanilang bagong kautusan.